moved

Saturday, June 16, 2007

some weird things about me. haha=D

1. hindi ako kumakain ng gulay except kangkong at eggplant. weird b un? hehe basta ayoko lang ng gulay. maski ung gulay sa cheeseburger tinatanggal ko e. kaya parang walang hassle, plain burger nlng. haha. ayoko rin ng rambutan, lychees. dko trip ung lasa. hehe. d rin ako kumakain ng mushroom at mais. ok lng ung mais na nilaga. pero ung my orange powder, nasusuka ako dun. haha hindi rin ako umiinom ng gatas. lactose intolerant kc ako.

2. mahilig ako matulog. tulog kahit kelan tulog kahit saan. haha natutulog ako kahit na may klase. nakakahiya. nasa unahan pa nman ako nakaupo. ang bastos no? kaso dko mapigilan e. hehe. nakatulog din ako sa biyahe sa bus puwing cavite. sa sobrang himbing ng tulog, nakaabot ako ng cavite city!! mga 9pm na nun. katakot. dko lam kung nasan ako. buti nlng nakauwi. haha. pero mag hindi related sa studies/trabaho ang ginagawa ko..ibig sbhi, ung mga pleasures ko lang..walang tulugan yan..hahaha. nuod ng dvd til 6am!! tulog tas gising 10am, nuod ulit. haha

3. mahilig akong mangolekta ng bags, accessories na hindi ko nman lahat ginagamit. wel mostly ay mga regalo. tas un nakadisplay lang xa. piling pili lang talaga ung mga ginagamit ko. haha mga laruan ko nung bata pa ko hanggang ngaun buhay pa. i mean, ok pa sila. hehe. meron akong stuffed toy na teddy bear na kapag pinindot ung paws nia tumutunog. gumagana pa rin xa. palitan lang ng battery. hehe. months palang ata ako nung binili sken un. tas nilaro ko nung 2yrs old ako, i think. ung mga barbie na binili sken ng dadi nung maliit pa ko..mga age 4-10, hindi pa bukas. as in nakakarton pa sila. hehe. nakadisplay lang din. sayang nga daw. benta ko nlng daw, kikita pa ko. owel, papamana ko nlng yan sa magiging anak ko.

4. hilig ko rin magcollect ng earrings. ung hindi totoo..fake. haha. ung mga tipong 10-30pesos. haha. my totoong hikaw nman ako kaso feel ko lang ung mga fancy earrings. wala lng. kakikayan. pero hindi nman ako kikay. haha. iba-iba colors. dapat terno sa damit. haha.

5. addict ako sa koreanovelas. hindi ko alam kung bakit. gusto ko lang manuod ng manuod nun. kakilig kasi ung mga story nila. chka maikli lang. di tulad ng karamihan ng drama nten na sobrang haba kc pinapaikot ng pinapaikot ung story. chka walang violence ung karamihan. depende sa plot. sten kc kahit anung genre pa ng soap e may violence talaga. chka cute at gwapo ung mga bida. xempre mention na nten c lee dong wook ng my girl, won bin ng kim sam soon, jo in sung ng memories of bali, kim jeong hoon ng princess hours, kim jae won ng wonderful life, ung bago kong crush na si kibum at marami pang iba. pati ung mga actresses nila magaganda..like lee da hae ng my girl ulit, kim tae hee ng love sory in harvard, ha ji won ng memories of bali, jung da bin ng attic cat/my siste in law is 19, kim ha neul ng stained glass, choi ji woo ng stairway to heaven, eugene ng wonderful life/save the last dance. hindi ko tlga alam kung bakit ako nahook dito. unlike sa american series..wel hindi ko pa siguro nattry manuod. pero minsan nunuod ako sa studio23, wala tgla..dko type. haha. sa sobrang kaadikan ko nito nauubos ung pera ko sa dvd. dati sa damit ko nauubos, ngaun sa dvd na!! tas nagdodownload pa ko ng pix at kung anung mga videos sa youtube. wah. san ka pa. addict. fanatic. cguro yuck to sa iba. haha. pero wala e, eto ako. hilig ko tlga un.haha

6. last but not the least. ang weird kasi wala akong lovelife..hahaha. weird ba un?? extra lang to. wala na kasi akong maisip!!! ang hirap magisip. pinasakit ni rani ulo ko!! masama na nga pakiramdam ko dahil sa ubo't sipon tas eto pa. haha. nanisi ng iba. owel, studies first before pleasure!!! bwahaha. pag may dadagdag kau, comment nio nalang. haha

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home